Tuesday, August 23, 2005

una

sabi ko talaga dati, para sa mga nag-iisa ang mga blog. marahil nagbloblog ang isang tao dahil wala siyang makausap.wala siyang magpagsabihan ng mga nais niyang ikwento, kaya isinusulat na lamang niya. madalas kasi dati, mga kaibigan kong nag-ibang bansa ang mayroong blog, kaya sabi ko hindi ako magbloblog. kasi madami naman akong nakakausap, lagi naman akong may mga kaibigan na pwedeng kulitin. hindi ako malayo sa pamilya kaya walang rason para magblog pa ano.

pero ngayon, mukhang pang insomniac din ata ito. naisip ko, sige na nga, masubukan na nga lang magpost ng ilang mga nasusulat ko (as in literally sinusulat dahil ayoko ng mag-on ng computer sa hating-gabi) para antukin. wala na kasi akong Animal Planet sa TV kaya mas mabuting magsulat.

masarap din naman magnilay. effortless pa madalas kapag nagbabyahe. sa loob ng bus, lulan man ng barko, mahigpit man ang kapit sa habal-habal driver, kay dali at kay sarap mag-isip, magsulat at kumuha ng litrato kapag nagbabyahe. kaya din pagninilay ng byahera.

o sya, sa susunod na lang.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home